radyorebelde on DeviantArthttps://www.deviantart.com/radyorebelde/art/Ang-Sinaunang-Panliligaw-267833940radyorebelde

Deviation Actions

radyorebelde's avatar

Ang Sinaunang Panliligaw

By
Published:
26.9K Views

Description

Ang Sinaunang Panliligaw.. bow

Buti na lang, buhay pa lolo ko. At kung hindi eh wala talaga akong malalaman sa sinaunang panliligaw nuong araw. Kung mag sesearch ka sa google, may makikita ka pero di detalyado. Puro mga corning love quotations lang makikita mo hmmpp.

Nuong araw (ahem ahem), mahirap talaga makipag ligawan sa babae. Talagang butas ng karayom ang susuutin makuha lang ang matamis nyang OO.. hmm sweet!!

Pag nais mong makadaupang palad ang iyong iniirog o nais mo talaga syang ligawan, bawal kausapin direkta ang babae. Hanggang ligaw tingin at sulyap sulyap laang daw. Pangiti ngiti muna pero wla pa nuong pakindat kindat heheh. Bawal ding mahipo ang kahit dulo ng daliri ng dalaga!! Ganyan nuon. Magagalang ang kalalakihan. Wala pa kasing porn nuong araw. Ang unang liligawan ay ang magulang ng dalaga. Paano nga ba?? Kailangan ay tumulong siya sa mga magulang at pamilya ng dalaga. Halimbawa ay mag sisibak ka ng kahoy, mag iigib, tutulong sa gawaing bukid, mag-aayos ng bubong, katulong sa pag-aani. Sa paraan ding ito ma iimpress ang dalaga sa iyo. Kahit di ka na gwapo nuon basta dedicated ka lang ok na hehe. At syempre matagal na serbisyo ang gagawin mo. Di yan isang araw lang ha o linggo o isang buwan lang.

Pag nakuha mo na ang loob ng magulang ng dalaga, maari ka na nilang bigyan ng permiso na ligawan ang iyong irog. Maari mo na rin siyang haranahin.!! Panis

Sa pang haharana naman, karaniwa'y mga malulumanay at puno ng pag-ibig na awitin ang kalimitang inaalay sa iyong irog. Kundiman na punong puno ng pag-ibig at pagsusumamo. Karaniwang gamit noon eh mga ganitong kanta
Ikaw ang ligaya ko ni Ric Manrique [link] Lumang Simbahan ni Larry Miranda [link]
Tangi kong pag-ibig [link]
Oh ilaw [link]
at marami pang iba!!! Search nyo!!
Karaniwang panghaharana ay pag gabi na. Pag tulog na ang mga tao

Kung gusto mo, isama mo na rin ang iyong mga kaibigan sa pang haharana para mas masaya!!

Eto na. Pag daw pinagbuksan ka ng bintana na dalaga, ayan na, mas lalo na kung siya'y napangiti ay ayan na nga. May pag asa ka na. Kung di ka nagustuhan ng dalaga eh baka mabato ka ng arinola..

Pag nagustuhan ng dalaga, patutuluyin ka nila sa loob ng kanilang kubo at paiinumin ng tsaa. Ngayon ay pwede mo ng kausapin at ligawan ang dalaga ng direkta. Sa wakas whew. Pag sinagot ka ng dalaga, pwede ka na ring mamanhikan at isama mo na rin ang iyong mga magulang ng sa gayo'y mag kamabutihan ang pamilya ng dalawang panig. whoo tagal ah

Ganyan daw talaga ang ligawan nuong araw. TAlagang inaabot ng taon sa panliligaw. Talagang patatagan at patatagan ng kalooban ang kelangan. Dito tlaga makikita kung gaano ka kaseryoso at kadedikado sa iyong sinta

Ayun heheh ito lang ang nalaman ko sa Lolo ko. Sadyang makulay at busilak talaga ang pag iibigan noon. Kaya tumagal ang lolo at lola ko ng ilang taon. Kahit na namatay na si Lola ko ay tuloy pa rin ang pag ibig. HANGGANG LIBING

Eh hmmm eh ANO NA NGA BA ANG NANGYARE SA PANAHON NGAYON??

Whew, parang instant noodles na konting init eh ok na. Ganyang ang ligawan ngayon. Napakadali. Para ka lang nag enroll. Instant mami na ang pag rerelasyon nayon. Madali ring maluto, madali ring maubos.

Kung nuong araw ay kailangan pang ipakita ng lalaki ang kanyang kapasidad bilang magiging asawa at kabiak ng dalaga sa pamamagitan ng pag lilingkod sa pamilya, ngayon puro kayabangan at papogian na lang. Sagad sa pogi, la namang trabaho, puro porma, kalibugan lang naman ang laman ng kukote, puro pabango, baho naman ng budhi. Sagad sa kayabangan ang mga lalaki sa ngayon. Mas lalo na yang mga kabataan.

Dali na lang ligawan babae ngayon. Magpapogi ka lang ok na. BAsta ba may karakas ka ni Mario Maurer eh kahit saksakan ka ng tanga at kakupalan eh wala ka ng problema dyan. Bibigay din yan. Basta ba me pang mall ka at pang Star City eh sasagot din yan kahit inutang mo lang yang pera mo. Padalhan mo lang yan ng mga love kowtz at mga pickup lines gaya ng "tae ka ba? Bakit? kase di kita kayang paglaruan!!" sa facebook at phone ok na yan. Basta ba madami kang alam eh sasakay din yan. Itext mo lang xa ng mahal kita, ilove you, i mizz you, i luv you so muchhhh!!,, mamahalin ka rin nyan kahit wala ka namang halos pinag gagagawa sa buhay mo kundi mag dota ng magdota at mag laro ng Dragon nest. Mag send ka sa knya ng mga luv kowtz na di mo naman talaga naiintindihan, ok na yan swak na swak. GAwa na rin kayo ng tawagan (for example: honeybunch, moshy moshy, luviiidobbii, sugarpop, at di ko na alm whatever..

Di pa kuntento sa mga holding hands at pakiss kiss, yayain mo xang makipag ano. Pag adyan na yung bata, mag murahan na kayo at magbatuhan ng pinggan!! (ipadala mo storya ng pag-ibig mo sa maala ala mo kaya para mapanood ng madla kung gaano kababaw ang relasyon nyo)

Sayang no?? Habang tumatagal ay pababaw na ng pababaw ang paraan natin ng pakikipag relasyon. An tingin ata ng iba, mas lalo na ng mga kalalakihan ay parang laru laruan lang. Pag sawa ka na, palit ng partner. Pag di ka masaya sa pakikipag anuhan sa kanya, palitan. Parang pyesa ng kompyuter na pag di na xa angkop sa systema ng kahambugan mo eh papalitan na. Ang tingin natin sa mga partner natin eh parang abubot. Design ika nga. Pag maganda ang syota, sasabihin sa yo eh, waaw pre astig ka ah ganda ng gf pogi mo idol!! Tumataas ang ating pagiging lalaki pag me ka harutan tayong chikas, mas lalo na pag seksing seksi at saksakan ng puti ng hita. Macho nga ang tingin ng madla sa atin, an tanong eh me utak ba tayo, kaya ba natin panagutan to diba.

Di ko sinasabi na mangharana ulit tayo ha eheheh. Pero kung gusto nyo ok lang :)))) Pero sana magpagtanto natin na ang pakikipag relasyon ay hindi laro. Ito'y isang pananagutan sa bawat isa..

Maligayang pagbabasa salamat!!!

mga kagamitang ginamit:
Genius easy pen i405
Mga software na ginamit:
Paintool sai
Adobe Photoshop Cs4 para sa mga effects at liwanag

---radyorebelde 2011--
Image size
3437x2409px 5.27 MB
© 2011 - 2024 radyorebelde
Comments85
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In